Monday, August 23, 2004

S.L.U.T.

talo admu kahapon! tsk! sayang talga! ano bang nangyari at naging ganun ang takbo ng mga pangyayari. bad trip pa kasi instead na upper A ang seat ko ayun at natapon ako sa gen ad. paano ba naman, si mr. nice guy late na dumating. tapos wala ng tickets sa mga boxes gen add na lang talaga. nag text si cousin kunin na lang daw niya yung upper A ticket ko. kunsabagay, mas kelangan niya yun kasi atenista naman talaga. samahan ko na lang si mr. nice guy sa gen add. according to him, mas gusto daw niya dun. ewan ko nga kung bakit eh.

pero kahit na talo, masaya kasi astig naman kasama ko eh. ambait talaga. and very sweet. did i say his sweet? hehe. nababakla na naman ako. basta, parang ang saya lang nung game kasi parang opposite sides kami. la salle daw bet niya tapos ako ateneo.

kwento ko na lang.. feel ko eh. wala na lang kokontra

so ayun na nga. nagmit kami. then punta na kami sa entrance ng gen ad. sama talaga ng loob ko. ayoko dun. malagkit pero sige na nga. kesa wag ng panoorin.
(mr. nice guy, umaangal sa background. bumubulog pero naririnig ko naman..)
mr. nice guy: ang corny naman nito... (pabulong)
ako: ano??
mr. nice guy: wala.
ako: bala ka!

so yun.. akyat na kami. parehas pa talaga kaming nakajacket. nilalamig kami. ayokong hiramin jacket niya no. baka maarbor ko lang eh. oo nga yung violet yung dala niya.. may naalala ba kayo?
so, nagsettle kami sa may la salle side. actually, pinipilit ko na sa ateneo na lang. kaso mukhang maganda daw ang view dun eh. ok sige, pagbigyan. minsan lang naman sumama eh. pero kahit na andun ajko sa baluarte ng dlsu, i don't care. cheer pa rin sa admu. go! fight ang boses ko.. pati litid lumalabas na. full power! basta after ilang mins. aya si mr. nice guy na lumipat na lang sa ateneo. ewan ko kung bakit. siguro nahihiya dahil ang ingay ingay ko sa side ng lasalle. pa cheer cheer pa ng ateneo. ok astig. at last napagbigyan na ako. yahoo!

pagdating dun sa ateneo side. ayun cheer pa rin. isama mo na ang mga nakaw na tingin sa battalion ng ateneo na nagmomorph kakahiyaw. in feyrnez, ang gwapo talaga.

(score is 15-44 in favor of lasalle. mr. nice guy, umiiling..)
mr. nice guy: ano ba yan. tingan mo nga yung score tambak!
ako: hindi kaya pa yan!
mr. nice guy: kung alam ko lang sana di na ako sumama.

ako: ang yabang mo

hehe.. sa totoo lang totoo naman eh. di ba? di na lang manahimik. ok sige. baka naghahanap lang ng mapaguusapan at unfortunately, yun na lang ang ginawa niya para makareact ako.
basta 3rd quarter mejo bumawi ang admu.. pero in the end, talo din.

yun lang.. what else can i say.. uhmmm....


wala! the rest of the evening.. i dunno.. mejo ang crappy ko eh. la lang. nothing important. i felt like i've hurt a person eh. basta.. instead na matuwa ako sa ginawa ko (nakontrol ko kasi.. hihi) sa totoo lang, hindi. ang panget talaga. grr... kainis.

mr. nice guy... may sumapi sa akin na anghel.. hindi po ako yun. i'm talking about the event after the game... sorry

paano kaya ako babawi? hay! bala na.

No comments: