Monday, August 30, 2004

krus

nakita kita kanina
nakapulupot ang crus sa
leeg at kamay mo
para bagang
tinataboy mo ako

di ka ba nabibigatan

sa krus na pilit na
sumasakal sa yo?
sayang at di
mo pa yan ikinamatay.

habang ako...

sa pagkakatitig ko sa
krus na suot mo
tila nabalot ng isang
kapangyarihan na ikaw lamang
ang makapipigil

subalit di mo pinigilan.
pinapatay mo ko...

ambigat ng krus.




No comments: