Wednesday, August 04, 2004

habang naghahanap ako ng ipamimigay ko sa rummage sale, ayun nakita ko na naman yung mga dati laruan.. ang mga barbie at iba pang mga kalandian. oo nga anjan nga pala si betty spaghetti. andun din pala yung malaki naming dollhouse.

pero wala naman sa plano kong ipamigay sila eh.. ewan ko. pero di ko pa talga sila feel itapon.

kasi kahit papaano, naranasan kong maging diyos..
diyos kamo?? hehe.. totoo toh no..

I AM GOD

sa edad na 5 taon, naranasan kong maghari.
maghari sa mundo ng mga taong dilat.. mga matang di naipipikit
sa mundo ng mga taong may bibig, subalit di makasalita..
mga taong nais sumigaw subalit walang maisigaw.
mga taong walang emosyon

at ako ang kumukontrol.

ang kwarto ko ang nagsisilbing mundo sa aking mga mumunting kalaro... at sila barbie.. hawak ko sila sa leeg. pinapatayo, pinapalakad, pinapasalita..pinapatay

may sistema ang mundo ko... pinapagalaw ko ang mura kong mundo sa aking mga palad.
bawat isa may sariling kwento
depende sa aking nais. sa aking gusto.

ngayon..unti unting nawawala ang mga tao sa mundo ko..
pakiramdam ko di na ako diyos...
takot pala sila sa kin.

No comments: