Sunday, August 15, 2004

ISANG TEXT MESSAGE

tik tak tik tak tik tak..
paulit ulit na tunog
ng bawat segundong isinasampal
ng mga kamay ng orasan

ginigising ako
sa paghihintay

isa... dalawa... tatlo
tatlong baso ng kape
ang naibuhos upang pigilan
ang antok na kumakain
sa lakas ko

hanggang kailan ako maghihintay??
hanggang kailan ako dito??
hanggang kailan ako magtanong ng ganito

at..
ti tit ti tit...isang text message.
tang ina ka.

1 comment:

kat said...

waahhh. i love it.