Wednesday, August 18, 2004

ikaw sa salamin

ikaw sa salamin
akala mo malaya
subalit nakakulong
at nagtatanga tangahang
ginagaya ang ikaw na
kinukulong ng mundo.

kaawa awang makita
ang sarili mong
ngumingiti sa salamin
na isang ilusyon
ng katotohanan at
tumatakip sa butas ng
iyong tunay na ikaw

humiyaw ka!
at makikita mong humihiyaw siya
kumanan ka...
at makikita mong kakaliwa siya
ngayon.. asan na ang totoo
sa likod ng salamin.

basagin mo ang salamin..
makalalaya ka...
mawawala ka..

No comments: