Saturday, August 14, 2004

ORANGE MAN

sa likod ng monitor
nakadungaw ka
nakatingin mula sa
malaking bintanang binabalot
ng salamin.

ikaw na nakasuot
ng nakasisilaw na kulay
parang araw
gumughuit sa paningin ko
ang liwanag mula sa iyo
ang init dama ko

at ako'y tila
binalot ng euporia
mula sa mga mata mong
nakatitig sa akin
binabasag ang harang
ang mga sikretong
mata ko lamang ang makapagsasabi.

No comments: