pakshit!!! wala naman akong magawa.. kaya eto. kahit ilang beses ko pang sabihin na di ko papakialaman itong page na to, eh patuloy pa rin ang aking pagbalik... (eh kasi feel ko eh)
ang pangit ng pc dito sa layb. nagkaroon tuloy muna ako ng mga 5 mins ng orientation sa computer na ito. mejo may kabagalan kasi at di ata normal ang pagtakbo nito. shit! ang ingay ng printer dito (dot-matrix pa kasi tsk tsk).
ano nga bang masasabi ko... wala na akong love life. wala na talaga. di na ko naiiyak o kung ano pa mang kakaibang nangyayari. parang wala na lang. na attain ko na ata ang moksha ng buhay ko. pero DI PA NAMN AKO TIGANG---- malaking P pa rin naman ako. nung isang linggo lang eh. kayod kabayo na naman ako. isabay mo pa ang acads.
oo nga.. last month aral lang ako sobra. hehe. pano, excellent grades (yahoo... angas no?) wish ko lang na sana pumasa ako sa exam ko sa 110. problemado kasi ako sa english ko. galing pa kasing bundok yung accent ko. tas may mga words pa kogn di matranslate haha.. wag na lang kayo maniwala sa mga puinagsasabi ko dito.
si fabs pala andito din sa layb. TULOG. suot na naman niya yung damit niyang mala shrek. nakakadiri. feling ko, may BO na ata yun. ang pangit talaga sobra.
Tma ba naman na laitin si fabs?? hehe.. tigilan ko na lang yun. putsa at sira pala ang pc namin..
kwwento na lang ako para masaya.
nagbigay ako kay the big D ng mug nung father's day. sabi ko sa kanya, itapon niya kung feel niya. kunsabagay eh... magiging kalat naman yun. may pagkatanga nga lang kasi gumastos pa ako para sirain yung gift. pero ok na rin, nainsulto ko naman siya eh.
bday ng dadi ko nung 23 at hindi ko siya nabati. binigyan ko na lang siya ng maki sa saisaki. di kasi siya kumakain nun. sabi ko sa kanya, since bday niya, eh maging adventurous siya sa mga pagkain. ewan ko lang kung kinain niya o nung mga aso. hihi
bday ni rex nung 25 todo overnyt ako. wala lang. para may kasama si abi. parang fhm ang buong gabi. may mens confessions pa talaga. at may kaunting libog libog..
anniv ni dadi nung 29. shempre kasama si mami. haha. date sila sa kung sang lugar diyan sa libis. maaga nga lang siola umuwi. nyeh! sana lang nag enjoy sila diba??
so far yun lang ang kwneto. oo nga at app na ko ng psych soc with suzie. yeh. kaso nakakatamad tumambay. kaya eto... imbis na tumambay eh kinalikot na lang ang pagpindot sa pc na ito.
di ko sure kung tuloy na ang abroad namin. naririnig ko kasi si dadi kausap si tito. plano na atang ibenta ang bahay. kasi aalis din naman lahat. kaso di pa mashadong malinaw. hay naku. undecided pa rin ako sa issue na un. bala na. ika nga ni harold "laissez faire" arte niya no?
tungkol nga pala sa kanya, wala na talaga. kasi itong si ate binoost na talaga ang kanyang powers para matigil na ang pagdadrama ka. and this tym nakumbinse niya na ako. sinabi ba naman niya na stonehenge daw si harold??? totoo ba yun?? kasi, tinanong ko siya kugn pangit ba si harold sabi niya OO. tas tinanong ko ulit kung wala ba nung mga tigidig sa mukha niya, eh gwapo siya. shempre ang explanation ni siter ay: "RUTH ANG STONEHENGE AY STONEHENGE. KAHIT NA TUBUAN AT SIRAIN NG PANAHON ANG PANLABAS NG STONEHENGE, AY STONEHENGE PA RIN SIYA. IN SHORT PANGET!!!" hay naku nalait na nga po ng tuluyan si harold. pero kahit ano pa man. di ko talga naisip na pangit siya eh. alam mo na bulag... pero dahil dun... natigil na ako. oo nga baka may mas gwapo pa kong makita. di lang naman siya ang lalaki. yeh!
cge... next tym na lang ulit
Friday, July 02, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment