first week ng class. akala ko, magiging katulad ng last year ang pagsalubong ko sa acad.. year na ito. --- maklay at masaya. hay naku, ibang iba sa last year. ang bagal pa ng takbo ng oras. ewan ko ba, parang sa araw araw na pag pasok na nakikita ko siya, ang pait pa rin ng feeling. siguro nga di pa ako completely recovered gaya ng ineexpect ko sa sarili ko.
sa bawat araw ng linggong ito, napapansin ko rin ang unti unting paglayo niya. nararamdaman ko. pinaparamdam niya. although, tanong pa rin, kung talaga nga bang sadya niya. pero kahit ano pa man, masakit at nakakakainis.
wala na palang naghihintay sa kin. shit. dahil may class lang naman ako ng 5-630. siguro nga... katulad ng mga naunang araw, mag isa ko na lang ibabyahe pabalik ang bahay ko. pero, wala namang ipinagkaiba ang mas maaga kong araw eh. mag isa pa rin naman akong umuuwi.
kung ibabalik ang nakaraang taon, siguro nga, naging martyr ako sa paghihintay ko. kahit alas diyes ang uwian ang uwi pa rin ay 5. siguro nga wala ng tatatlo sa kin sa larangan ng paghihintay.
ang masasabi ko lang, sa bawat lakad at oras na ginigugol ko mag isa, alam kong isang karera ang tinatapos ko. hindi ko alam kung may prize sa huli. pero yun nga yung motivationg factor eh. sa huli ng karera ko malalaman kung meron nga bang prize ang karerang tinatakbuhan ko. mahaba habang karera na rin. pero kelangan ituloy. maaring abutin ng buong buhay ang pagtakbo. pero malay mo ba kung ano nga ba ang naghihintay sa dulo.
Friday, June 11, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment