hehe... dinaan na lang sa tawa ang lahat no?
wala lang.. wala akong magawa eh. para akong sleeping beauty. kakagising ko lang kani kanina.
ANG DEBUT NI AYING
masaya naman debut niya. hehe. sa simbahan. wala lang at nakonsesnsha ako. kasi ang bait ni aying eh. tapos ako, tae na lang sa tabi. hay! wala na ata akong kapagapag asa...
naalala ko lang, kakatapos ko lang pala sa aking malagim na kahapon. hehe... basta nung friday may nangyari. at sobrang malala.
wala lang parang nung pumasok ako dun sa simbahan (na venue nung debut ni aying) parang bigla akong pinasukan ng anghel. biglang nagbasa yung mata ko. tungkol ba ito dun sa tanginang b@#*??
shit! ang sama ko talga..
ayun, dun pala ako tumable sa puro guys! haha.. at katapat ko siya! oo nga eh. nagkatapatan kami.. saya nga eh. kasi tinginan lang kami to the max.
plano ko nga pala kila bxc mag stay kaya ayun. paalam na lang muna kay dady. at thank god pinayagan naman niya ko.
si felias, hehe, nakita niya ang aking wet eyes. galing nga eh. deny pa ko. sabi ko conjunctivitis lit.
so ayun, ang aga natapos ng debut ni aying. pero mehjo mabigat ulit pakiramdam ko. hay naku.. hanggang kelan to. sabi nila, sumusulpot daw talaga yan eh. kaya di mappigilan kahit anong muv on mo.
ayun shempre drama naman ako buong party. at yun nga natapos din. eto namang si felias, pinahatid ako sa kanya kila bxc. wala lang ayoko sana eh. parang scared pa ko. pero mas nakakatakot nga naman kung marape ako. kasi gabi na rin nun.
ayun na nga, sinamahan niya ko.. pero ewan di ako makapgsalita. naiinis ako sa sarili ko. kasi kinikimkim ko lang yung sakit sa loob. sha rin ang tahimik niya. di niya ko kinakausap. ano kayang iniisip niya?? ewan.
mahaba haba ding lakaran yung kila bxc, pero hu cares? hehe ako sa totoo lang, sana di na matapos yung lakarang yun. kahit tahimik basta alam ko kasama ko siya. iba pa rin yung pakiramdam. pero mamaya maya, alam ko makakapunta rin kami kila bxc. titigil na rin ang lakad. babalik ulit siya. tapos magiisa na lang ulit ako.
ayoko matapos talaga eh. kaso nung nakita ko na yung green gate wala na. yun na yung wakas. nagpaalam na kagad siya. sabi ko wag muna. kaso ayun umalis din. ang sakit talga kapag naiiwan.
bigla kong naalala yung pag iisa ko sa beach ng sorsogon. sabi ko ayaw ko ng mag isa kasi iba yung kairamdam. pero katulad nung nangyari sa sorsogon ayun mag isa ulit ako. (si bxc nga pala nasa jamingan pa nauna na ko sa bahay)
papasok sana ako, wala namang nagbubukas. tapos leche pa yung aso tahol ng tahol. ayun, umiyak na lang ako. kasi iba talga yung sakit. ewan drama ko nun sobra. buti pa sa beach may dagat... parang kahit papaano, malaya ka. yung hangin di nakakamatay. eh dito parang nakakulong ako sa gate eh. di ako makagalaw kasi baka sakmalin pa ko ng aso.
tahimik lang iyak ko. ewan di mapigilan sa pagtulo. ayaw kong may makrinig sa kin... naghihintay lang naman ako.
si bxc, dumating matapos ang ilang minutong paghihintay. ayun may dalang toma. well at least may mapaguusapan na naman kami. alam kong karamay ko si bxc. masaya ako kasi mejo natutulungan ako ng ibang tao. oo nga pala. nag text pala sia sa kin. bibigyan daw niya ko ng tulong basta irequest ko. la lang. masya na rin kasi alam kong yung sabay naming paglalakad nung gabi yun ay di nagtatapos sa pag iwan niya sa kin kila bxc. alam kong meron pang mga kasunod na lakaran na alam kong makaksama ko siya. hanngang sa huling lakad namin...
Sunday, May 30, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment