kagabi hindi na ako umiyak. MUNA...
matapos ko malaman na meron daw akong conjunctivitis, tinigil ko na muna ang pagluha. oo nga pala, ang conjunctivitis ay ang pamamaga ata ng tear glands. hehe hindi ko talaga alam.
siguro nga may hangganan ang pag iyak kong to.
pero kahit na hindi ako umiyak, di pa rin maiwasan ang mag isip. maga 2 araw na rin simula ng maibigay ko ang sulat. pero bakit wala pa ring response? ano nga bang gusto niyang mangyari? ituloy pa rin ang paghihirap?
basta, hindi ko alam.
umulan... langit na ata ang umiyak para ituloy ang iyak marathon ko. naisip ko lang, bawat iyak ng langit may bagong pag asa na sumisibol... ang daya naman, bakit ganun? pag ako umiiyak, wala akong nakikitang pag asa?
as of now? mananahimik na muna ako siguro kakatanong.. basta may ieexpect ako sa kanyang sagot, maganda man o hindi.
uulan na naman. iiyak ang langit, pero di na ako iiyak.. MUNA
Saturday, May 08, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment