Sunday, July 25, 2004

KALANDIAN NI MR. NICE GUY AT KATANGAHAN NI LIL MISS GULLIBLE
 
putsa... exhausetd na ang brain ko kakaisip ng aking mga concept.. pinipilit ko kasi na maging matino naman ang aking blog. para na rin sa aking mga fans na wlang sawang sumusubaybay sa aking mga kwneto at kung ano anong feel kong isulat...
 
siguro mga two weeks na rin akong walang pahingang matino.. 3 am ang start kong matulog at magigising ng mga 8.. mahaba haba pa nga yun eh. kaya di ko lang talga alam kung bakit buhay pa ko ngayon. 2-3 hours ang tulog ko on the avg.
 
sige.. balik kwento na lang muna ako.. sayang! akala ko ay inlove ako.. sa lalaking nagigitara at nagdadrums nung nakila beya ako. may itsura siya at rakista din... kaso isang malaking pagkakamali dahil wala naman pala..
ata?? well, i'm not sure.. tae
   
dalawang beses pa lang kami nagmimit (thanks sa bahay nila beya!) kaso parang nabibilisan ako sa kanya.. sa pangalawa naming pagkikita, kinuha na niya kagad ang cel at landlyn ko pauwi. shempre bigay naman ako.. friendly eh, or tyrying to be friendly ang pootah..
 
sa ilalim ng ulan ko naramdaman...
 
sa may tapat ng alimall, naghintay kaming dalawa ng jip biyaheng cainta (dun daw siya nakatira). umabon... at di ko na binother na kunin ang payong.. di naman din ako mababasa eh. tamang ambom lang. sabay siya, feeling mr. nice guy...
 
(mr. nice guy akmang tatanggalin ang isang sleeve ng jacket)
mr. ncie guy: silong ka na sa jacket ko!
ako: hehe.. gago wag. ok lang ako. mabilis ka rin makakasakay
mr. nice guy: namura pa ko! sige na silong na! arte mo!
ako: tang ina! di ako ma...
 
(hinablot ako ni mr. nice guy at dali dali niya akong isinilong sa kulay violet niyang jacket)
ako:...arte..
mr. nice guy: magkakasakit ka niyan (asooos!)
 
hawak hawak ko ang end ng jacket na yun kung san dun niya ko nilagay... mejo mainit ang jacket. para akong sisiw na nililimliman ng ina... comfortable..
at ang isang kamay niya na wala na sa jacket... inakbayan ako. shet! ang panget para kaming magshota. inabot niya ang kamy niyang iyon sa basa kong kamay na patuloy pa rin sa paghawak sa jacket niya... tang ina! ano ba yun!
 
1....2.....
3.....4....
5....6.....
at hindi ko na naisipang bilangin ang bawat minuto. naasiwa na ako sa posisyon na yun..
naisipan kong itanong kung alam niya ang sakayan talga..
 
ako: san ka ba umuuwi??
mr. nice guy: sa cainta
ako: andun yung terminal ng jip na biyaheng cainta  (sabay turo sa lugar)
mr nice guy: ahhh... dun ba?? di ko kasi alam eh. sorry...
ako: aok.... sige lakarin na natin
 
nag usap kami hanggang makarating sa terminal.. pwdede na rin kasi ako sumakay dun... ibang jip nga lang. may mga payo payo pa kong pinagsasabi na wag silang magbreak ng shota niya.. 3 years na daw sila eh.
feeling mabait no?
 
(ako and mr. ncie guy sa terminal...)

ako: o dun yung sa cainta ha??
mr. nice guy: hehe... gago sa totoo lang alam ko talga na dito sakayan eh.. ayoko pa talgang umuwi..
ako:............. TANG INA KA!!!!
 
hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa gabing iyon.. ang landi niya kasi.



No comments: