Friday, July 30, 2004

kalansing ng barya

ang hapong katawan
pilit na isinisiksik
ang sarili sa sulok ng pader
--malamig tila tumatagos sa
payat kong katawan kinakain
ang natitirang init--ang buhay.

at ang isang basong plastik
ang nagiging karamay
dala ang dungis at baho
mula sa mga kamay kong
pilit umaabot sa

isang barya...

ang nahulog mula sa mabibigat
na kamay ng mamang yaon..
tila pinabibigat ng pisong
unti unti dumudulas mula
sa kanya.

isang pirasong pisi ang
ulit na magdudugtong sa aking hininga.

isang barya...isang abuloy.

No comments: