Friday, July 30, 2004

tambay nyt

ayan. feel ko isulat ang nangyari last nyt! haha.. saya. kaso may pagkacorny. yung mga coapps ko sa org ayun ang spooky nila. kasi dun kami nagbihis sa 2nd floor ng as.  tapos dumaan kami sa wilfredo guerrero (ang venue naman ng ttatrin) at yun nanakot kami. haha

black and white ang kulay (mejo panira nga eh ako may touch of green--shempre galema nga eh ang babaeng ahas)

marami ngang sikat eh.. andun si bride of chuckie, sadako hehe.. andami no??

ang arte kasi nagtaxi pa talga kami. tinakot namin si manong taxi along with our costumes.. putsa inakala pa nga niyang frat sinalihan namin.. sermon ang inabot naming 6.
oo, anim kami sa taxi. to think na may mataba pa dun ah.

sa issi...
pagkatapos kumain, ayun at todo na ang practice ng thriller at i will survive. ang panget kasi ang hirp pag may costume. nakasabit pala yung ahas sa leeg ko. mejo nahuhulog kaya tinusukan ko ng hairpin.. maabilidad eh no??

ayun at sumayaw din ang mems.. ang galing sumayaw ni glenn.. (naalala ko sa kanya si dofi). todo hataw. puro kanto naman hehe. joke! pero at least di nman mediocre ang performance. at yun apps na..

sayaw lang kami. ang pangit kasi practice lang for 1 hr. hehe.. kaya ang pangit.
si suzie bida kahapon...

costume nia kasi ay si scream mask.. nkakatawa maski ako natatawa. yun lang kasi yung emosyon ng mukha niya buong araw. may effect effect pang dugo.

then sig signing.. yahoo!! mga 8 din napasig ko nun ah.. memorize memorize pa ako ng mga kung anu anong trivias sa org. puputok na siyang talaga. at yun di ko siya natapos pero at least..
TAPOS NA ANG SIG SHEET!!

pauwi na kami at nagyaya si carlis na maginuman sa may treehouse--ang bagong kainan sa up. mukhang maganda naman yung place kulang lang sa tao. wala kasing dumdaan dun..
shempre tanggi.. may sundo eh. saka na lang pag members na kami!

bukas debut naman ni donna... at wala sa beya.. akala ko ba ok na??

No comments: