Tuesday, November 30, 2004

tenk yu

minsan maiisip mo kung bakit at anogn silbi ng pag alis mo at bumisita sa isang taong minahal mo (at maaring mahal mo pa).
makikita mo lang naman ang sarili mo na nanonood ng tv

sa kaso ko --- spongebob at ilang silip sa (engrande kuno) eat bulaga, at mtagalang titigan sa mga bolang laro.
at kumain sa ibang bahay..

walang pinagkaiba sa ginagawa ko sa bahay ko.
ano nga bang bago??

meron.. isang malamg na pagtrato mula sa nagmamahal kong EKS
oh well.. gumising.. hi mula sa kin.. isang taas ng kilay mula sa kanya.
mabigat na pagbagsak sa sopa sabay pindot sa remote.

tahimik.. maingay lang ang tv. announcer ang nagpapagalaw sa tenga ko..

siya.. pinutol ang katahimikan.. inutusan ang katulong na tila nagaabang sa kusina
ng mga susunod pang utos sa tumanda niyang amo
"ate kakain na kaming tatlo" (kasama ako dun sa tatlo.)

salamat sa cornbeef at bopis.. salamat sa juice.
pati na rin sa cake na nakuha ko pa mula sa isang bisita..

di ako inaya ng clebrant na kumain..ng kanyang chocolate cake

wala ata akong karapatang makihati sa cake niya.. magiisng taon na kong wala sa kanya. kunsabgay. wala na rin ang isang taon sa min.. ano nga bang ihihati ko pa sa buhay niya.
sa cake niya.

kulay tsokolate.. sayang paborito ko pa naman. isang pangko din ang cake na yun sa bday ko. DATI..

salamat ulit sa cake...

babay.. alis na ko.
narinig ko ang sarili kong magpaalam..
"babay.. salamat sa...."
salamat saan??

ang tanga.. bat pa ko pumunta dun??
wala naman akong pinanghihinayangan. subalit minsan wala na rin naman pinapala ang mga panunuyo -- o pagamin sa iyong matagal ng pagkakamali..

kunsabagy. bday naman niya. kung ano man ang gusto niya.. bday nya eh
ulit..

isang malaking "TENK YU". sabay bagsak ng gate..
pinagsarhan na niya ko.

No comments: