Saturday, November 06, 2004

sneak---ers

masasabaing basag-ulo kid parin ako. tila, di na nga matatapos ang walang katapusang joyride ng buhay ko na halos gabigabi, ay patuloy pa rin akong umiikot at rumoronda sa "maluluwang" na kalsada ng suburbia... haha, isang pantasya..

alauna ng umaga magsisimula ang tila mala MI na misyon ng pagtakas sa kulungan.. dirediretso sa isang getaway vehicle na sadyang ipnark sa tapat ng mabahong bakanteng lote sa harap ng bahay namin..
"that stinks" ika ng pakonio conio kong kaibigan.

well, wala po tayong magagwa dahil kahit gustuhin kong luminis ang tapat ng aming bahay, isang barakda ng lasinggero ang patuloy na nagkakalat dito.
sa di kalayuan, ay may mga bata nagpapalitan ng mini pakete ng mga kulay asin na butil..

"ok, tara!" sabi ko, sabay harurot ng maingay na kotse niya...

at yan, mapapnatag na ko.. ang malamig na hangin ng madilim na umaga ang siyang nagpapabuhay sa kabado kong dibdib.. oo tumakas na naman ako.. maaring maya maya lamang ay mabubuhay ang mga warden ng kulungan. "checking" kumbaga..

alas dos....
alas tres....

saka ko maiisipan na umuwi.. oo at iniwan kong bukas ang gate. bahala na kung mapasok ng magnaankaw. mahirap makipagkuntsaba. yari karin kasi.. at di na ako magtitwala..
3:30, time to leave.. beso besohin sa malagkit na pisngi ng mga kasama kong lalaki.. lasing na sila.. sa harap ng lumang apatrment, andun na naman ang kulay berdeng kotse niya.. mukhang pagod na sa pag sneak out.. subalit ayun, umuusok pa rin ang tambutso..

sinasabayan ang malamig na bati ng umaga
uuwi na naman ako..


No comments: