Wednesday, February 02, 2005

puta't madona

isang pagtingin
sa dalwang sinakdal ng lipunan
isang puta
at isang madona

ang puta---nakilala
nakasuot ng mini skirt
kasama si 'judge'----berde
matamis

ikinakaway ang sarili
kandidato sa eleksyon
itaguyod ang karapatang
ng mga babae
linisin ang masamang
pagtingin

habang ang puke ay inuuod na.
may dumi ng lalaki-at isang
patay na sanggol

ang madona--kinikilala (daw)
suot ang bestida
pinatahi para sa simbahan
magpoposing sa pintor
at ilalagay ang mukha para iguhit

karugtong ng buhay niya at
patuloy na titingan ng madla at
sa malamang
isasangla sa demonyo ang buhay
para sa kapirasong kapritso ng
luho

ang makilala....parang isang
peynting
ala - monalisa

No comments: