"pangarap ko pong maging doktor"
bata pa ko nun. sa isang sulok ng er sa ortho. ang isang pa check up ko sa ulo kong bumagsak sa slide ay nauwi sa pagbuo ko ng pangarap...
katabi ko si tatay. parehas naming pinanonood ang pashenteng natusok ng salamin sa mata. dumating na ang duktor kasama ang mga kapanalig niya sa mediko. parang si father at mga sisters. sinaasagip ang isang kaluluwang wala sa diyos. mabango ang holy water---anaesthesia, pantanggal ng sakit. pampamanhid.
kaya nga pangarap kong maging doktor eh. masarap pumirma sa papel na kalakip ang md sa dulo ng pangalan mo. isang magulong sulat na malamang, ay uuisain pa ng pharmaceutika para maibigay ang reseta sa pashente. masarap magbukas ng laman, pindot pindotin ito na parang mamakyaw ng baboy sa palengke, mamimili ng saiwang laman para iulam.
masaarp maghain para sa lahat. maarap maglingkod.
hayagang paglilingkod o isang masokista??
2 taon na lang, kung hindi ko mabagsak ang kinukuha kong pisika, tutuntong na ko sa ospital, magsusuot ng puti at magpapanggap ng magaling sa medisina. di malayong mangyari yun. ngayon pang naaalala ko na naman ang senaryo sa emergency room mahigit 10 taon na ang nakakaraan. tabunan man ng ilang lcture mula elementrya hanggang kolhiyo, pirmado pa rin akong tatayo sa gusto kong larangan.
danasin ko man ang pait ng hiwalayan ng pagshohota at ilang pagpupulot ng basag na sarili
idagdag mo pa ang walang katapuang pagbubuo ng paulit ulit na pangrap dahil sa mga nabasag na samahan.
"pangrap kong maging doktor"
at nangangati na ang mga daliri ko pra mabuksan ang pinakaunang bangkay na
pagaaralan ko.
Saturday, February 26, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment