kamayan
sige san ko ba nakuha ang sakit nato. ll i know is that nakiparty lang ako sa org ko at uminom... di naman din ganun karami. pero at least nakapagenjoy..
inenjoy ko ang isang taon kong wala na siya..
SERIOUS?!
hehe.. ewan. basta wala na lang akong icocomment.. nakaktawa lang kasi igh school people pa rin ng iba sa tin... kitang kita ko sila holding hands pa. eh ako?? kung kani kanino ko na sinuot ng kamay kko hoping to find the one na sasakto sa mga siwang ng aking daliri.
shempre kasya naman lahat.. maliit lang mga palad ko... ang di ko lang maintinihan
eh sa dami na ng nakadaupang pald ko, eh wala man lang nakaisip na maglagay ng glue para pumirmi na ang mga kamay ko sa kamay niya..
nabasa ko ang post ni beya sa blog niya.. masarap ang mainit na palad. tama n ito para sa malamig kong pakiramdam. sumusot at pinalalambot ang bawat kasulosulokan ng pgkatao ko. pinangarap ko na nga minsan na maging water vapor na lang ako. para at least mklipad ako sa langit at maabot ng mga ulap.
ngayon, magkasama na lang ang mga kamay ko parati.. kapag pakiramdam ko na makipagholding hands, eto at naririto namn ang isang kamay ko para hawakan ang nangungulila kong kabila. di nga lang ganun kainit pero alam ko, sapat na rin iyon upng kahit sa panahonh malamig ay makaramdam din sila ng kapares...
kundi man yung isang kamay, isinasalang ko naman sa bibig..
"nail biters" ewan.. pampawala ng tensyon..
Monday, February 07, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment