Friday, January 28, 2005

feel ang pagdadarama

parang kelan lang dala dala ko pa ang virus.. binibilang ko na ang mga raw kung hanggang kelan pa ko hihinga... sa simpleng tiled floor ko nakuha --- tetano.
nagdugo ang paa ko. nadaplisan ng matalas na dulo ng kaawa awang kahoy sa sahig. tumawa pa nga ako ng makita ko ang "Bleeding wound". ngayon lang ulit ako nakakita ng sarili kong dugo. bhira na ko duguin maliban sa mens ko..

"anak, papaturukan kita bukas!" sabi ng nanay ko...
---eh sa totoo lang, ayoko talga. feel ko kasi magsenti. lam mo yung aprang dun sa mi2. yung babae matapos maturukan ng chimeara virus akala mo halos mahulog ang mundo.. may drama pa nga siya na tatalon sa cliff...
---sa part ko, ambabaw lang.. di pa nga sure na may tetano ako eh.. kaso wala lang mukhang astig yung binibilang mo ang mga araw hanggang malack jaw ka na.. kunsabagay, patay na rin ako pag nanahimik ako.

so yun.. plano ko sana na wag paturukan... may motto pa kong :pag oras mo, oras mo na talga. sinabi ko panga kay ronald yun nung nagkita kami nung wed:

"any last words bago ako mamatay??" sabi ko
---shempre, tinwanan lang naman niya ko. ewan ko ba dun. walang ginawa kundi tumawa. wala naman siyang nabanggit tungkol sa mga naiisip niya nung sabihin ko nga na mamamtay na ko

BAKA DI NANINIWALA
---pinakita ko na nga yung kaawa awang sugat ko sa paa.. masaya siyang nakadikit sa ilalim ng paa ko. mumunting sugat.. magandang isipin na yun ang dahilan ng pagkamatay ko.

--------------------------------------
Final judgement

dala dala na ni mommy ang mga gamot.. 2 shots daw sabi niya. parang yung ininum kong con panna.. 2 shots din.. pang neutralize ng hypertension malamang.

-busy si mommy sa pagseset up.. ako busy sa pagseself contemplate. kabado ako kahit na nakasiksik na sa utak ko ang eksena sa isang ads noong 19 kopong kopong
"parang kagat lang yan ng langgam" -- bata pa ata ang nagsabi sa kapwa bata.

sa isang kagat ng langgam, mawaala na ang pagdadrama ko. babalik na rin ang mundo ko sa paulit ulit sa siklo nito.. ang mamroblema sa mga bagay na di naman talga kaproble problema.. eh kung di na lang ako magpaturok, at least kahit mamatay ako, alam kong nabago ko ang takbo ng buhay ko kahit saglit.
malamang dumating pa ang mga tao na pinangarap kong dumalaw sa abahay.. lalo na yung taong nagtulak sa kin para magopen ng account ko dito sa blog..

"musta walkng natin??" sabi ko
isang ngiti lang ang ibinalik niya sa kin.. tahimik siyang naglalakad.. nilampasan niya ko.
clean cut na si harold.

*going back, ayun hinatak na ni mommy ang kanang braso ko.
ok kaya ang sakit. masarap din ang masaktan... bagong motto: pain is pleasure..

next;
skin test; at akala kng katapusan ko na. paano pinabulge ni mommy yung braso ko. akala ko maling pasok ng gamot
"mommy nahihilo na ko.."
bumagsak yung ulo ko sa balikat niya... di na rin ako makahinga. hinihintay ko na nga dumating yung mga flashing lyts. sabi daw nila near death ka na daw nun. kaso wala eh.. kita ko si mommy, mukhang at ease ampanget
MOMMY< MAMAMATAY nA AKO..
kaso mukhang di naman siya kinabahan. maliban na lang siguro sa pagiisip kung anong mali ang ginawa niya kahit wala. effective din pala magdrama

produkto na ata ako ng drama... putsa. mas nakakatawa kung mamatay ako dahil sa simpleng skin test lang. ampangit..

ayun.. ng makaluwag na ko.. tinurok na sa isa kong braso ang Potent tetanus toxoid... mabigat siya dalhin sa braso.irelax ko daw.. ikut ikot ang braso.

tang ina.. second life??? nah!!
produkto pa rin ng drama.. paslit na naligtas.
tapos na ko sa drama..

2 comments:

Anonymous said...

drama ah!! not you girl. not you. tsk tsk
--migzzz

Beatriz said...

i suddenly realized we had the same reasons why we opened a blog account. remember?
tol turok lang yan hekhek buti ka nga di pinag-praktisan ng tusok yang braso mo na parang ponkan! parang yung ginawang praktis samen hekhekhe! miss na kita.