Tuesday, December 14, 2004

pawn hotlines

“Gud evening mam! How can I help you?”

Mula sa kabilang linya maririnig ang iba’t ibang boses ng BOSS..
----matandang nagpipilit bumigkas
----babaeng hinihingal sa pagbigkas
----isang teenager na slang bumigkas
----at isang batang kakatuto pa lang bumigkas

Sabay maririnig ang sunodsunod na pagtaktak ng “keyboard”

“Mam/Sir, may problema po tayo sa…… na isinalin sa ibat ibang lengwahe. Fukien para sa mga chengwang balasubas na BOSS; ingles para sa mga kanong magpapanggap (subalit naghahanap lamng ng maasawa); Nipponggo para sa mga Hapon; at iba’t ibang salin pa.

CALL CENTER----the only bright spot in the Philippine economy. Teka, sabayan ko muna ng OYEAH!! Magaling. In short parang…parang…
parang may isang anghel sa aking labi …na nangingiliti.

Nagbibigay ngiti sa mga aspiring yuppies.
Mga istambay - ng coffeeshop, bestfriend ni “the GREAT YOSIKADIRI” ang mascot na puti ng DOH.

CALL CENTER ---the only bright spot in the Philippine economy. In short parang…
SUNcell. Talk and text all you can. Sabay birit ni J.R. ng O YEAH!! At pagdemo ng kanyang helicopter (yung parang turumpo).

Maliwanag na maliwanag. Niloloko nanaman tayo. Sino ba namang di papauto sa malaking pasweldo ng CALL CENTER.. maliit na ang 12000 na sweldo isabay mo pa ang iba pang benefits. Sino ba naman ang di hihindi

  • Kahit na kapalit nito ay paulit ulit na Hi, Hello, Gud Morning, Gud Evening, at iba’t iba pang gud.
  • Kahit na ilang ulit ng naitatanong ang isang problema.
  • Kahit na ilang beses pa murahin ng BOSS dahil hindi maayos ang pinapagawa niya.
  • Kahit na ilang graveyard shifts na ang naiikot mo. Nabespren mo na ang buwan at bituin.
  • Kahit na kalakip nito ang buhay na paulit ulit.Hanggang mastress out ka na

Aminin natin. Maliit na ang pangarap ng mga bagong gradweyt. Solb na sa simpleng pagsagot sa high-tech phone, sariling computer na kapag minalas malas ka ay de intranet, at malamig na aircon. Ayus! Feeling abroad kana.

Di ko naman nais sirain ang Call Center phenomena ngayon. Pero nakakaawa naman. Biktima na naman tayo ng exploitasyon. Sa maniwala kayo o sa hindi. Cheap labor ang inaakala niyong mga opsinang malamig sa strata ng ortigas at Citibank ng libis. Cheap labor ang paulit ulit na pagsagot satelepono at pakikipagusap kay BOSS na everything will be normal atmay unting sira sa…

Walang pinagkaiba sa trabahong pampabrika. Paulit ulit. Hanggang mapudpod ang daliri at mamaos ang boses. Kunsabagy, wala namang utak na pinapagana. Buhay na robot.
Panay scripted. Trial and error.
Pati si BOSS nagpapauto.
Pati ako nagpapauto. Kunsabagay, malaki ang sweldo. Tama ngang pati buhay nabibili na rin pala.


At sa halaga pa ng isang cellphone kada buwan.

1 comment:

nadzsamson said...

Gusto ko tong gawa mo....OK to....Pero for me nothing beats Chicharon...