Pagpapanggap ng isang dalaga
Tawagin natin siyang si “panchita”. Dalaga, disiotso. Mukhang sariwa at makinis. Mataas ang pangarap at malalaki ang mga hinahakbang.
Matgal tagal na rin simula ng mailagay niya sa hukay ang isa niyang paa. Malas nga lamang dahil imbes na paa ang nailagay niya, isang walang kamuwang muwang na bata ang naihulog niya. Buti na lamang at tahimik siya. Hinele ni kamatayan..
“Go BABY, go to PAPA.. iingatan ka niya”
Ang huling salita niya bago mawalan ng malay. bago hukayin ang yaman sa pagitan ng kanyang ari..
itatatransplant na si baby.. ilalagay sa hukay. Di na niya iistorbuhin si nanay Panchita.
Ni hikbi, wala kang maririnig. Napsarap na siya ng tulog sa hele ng lalaking may kalawit. Tinugtugan ng abc hanggang matapos sa Z.
Yan ang nakaraan. Mga walong buwan na ang nakaklilipas. Nakaligtas ang matinik na si “Panchita” sa panganib ng paglobo. Malaki pa ang kinabukasan ng magaling na dalaga. Tuloy pa rin sa pangarap. Abot kamay na ito sa loob ng ilang taon. Magsusuot na rin siya ng puti.
Ngayon ay Disiembre, alam niyang kung tinuloy niya ang bahaging iyon ng nakaraan, patunay ito na pamasko si baby ng langit. At bagong taon para sa kanya ang darating.
Siyay magiging ina s unang buwan ng sunod na taon… SANA
Ngayon, alam ni Panchita, darating ang araw na maipaparada niya ang pinagpagurang putting tela. Ibabalabal sa sarili…
Oo nakatapos ka panchita! At siya’y iiyak… luha at dugo. Iyak ng ina.
Tuesday, December 14, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Di ko masyadong nagustuhan..
Post a Comment