Sunday, December 02, 2007

its more than a week already. at masasabi kong this has been one of the worst week of my life. masakit pa din sa kin ang lahat. at kahit ipaulit ulit ko sa utak ko para lang kahit papano eh madesensitized ako at maimmune, the same pa rin ang feeling. masakit pa din. nagccreep sa likod ko yung lamig, and yung dread. yup dread, the sad thing though, anjan na siya. yung kinatatakutan ko anjan na pala sa harap ko. at oo, in denial pa din ako sa mga pangyayari.
for 1 week, nagwallow ako sa lungkot, at awa sa sarili. naawa ako sa sarili ko. naisahan na naman ako. at kahit isipin ko pa yung huling beses na nagusap kami, at kahit alam kong maayos ang mga huling salita namin noong biyernes ng madaling arawna iyon, sa loob loob ko alam ko, di ako magiging maayos. di ito magiging madali. i don't deserve this. yan ang paulit ulit na naiisip ko.
at sa bawat alaala, literal na sumasama ang pakiramdam ko. tawag na nga sa med, depression spurts. saksi ang mga kaklase ko sa dalahin ko sa araw araw na pagpasok ko sa school. alam nila na impyerno ang paguubos ko ng oras dahil simula ng mangyari yun, biglang sarado ng buong sistema ko.

naawa ako sa sarili ko. kaso wala akong magawa. salamt at may mga taong handang tumulong. sa pag alis niya, maraming pintuan ang muling nabuksan. mga dating tao, mga dating anjan na. hindi ko lang alam na anjan dahil siya at siya lang naman ang pinaglalaanan ko talga. mahirap talga pag sa isang tao mo lang naibubuhos ang lahat, kaya kapag iniwan ka na, pakiramdam mo wala ka na din. ang di mo lang alam madami palang naghihintay ng buong atensyon mo.

sa loob ng isang linggo, naranasan ko ang umiyak in between classes, ang biglang mapatigil sa kinakain ko, ang di kumain ng dalawang araw na direcho dahil kahit iforce feed ko ang sarili ko, isusuka ko lang talga. masahol pa sa bulimia ang depression talgang papatayin ka. its a helpless situation dahil kahit may mga taong anjan sa paligid mo, its really up to you to make things work. at yun ang masakit dun, alam ko ang estado ko, pero wala akong magawa. alam ko ang tawag pero hinahayaan ko lang. dahil sa bawat galaw mo isang sampal pa din ang matatanggap mo. sadya man o hindi.

i want this over. i really do. pero kung babalikan ko ang mga napgdaaanan ko na, alam ko matagal tagal pa bago ito matapos. alam ko ilang sampal pa (marahil marami rami pa) bago ako tuluyang mamanhid at tumigil sa pagdidiliryo ko. alam ko di ko na maibabalik ang lahat. sayang. isang malaking panghihinayang.

katulad ng dati, i will still be hoping. hanggang maubos na ang mga pangarap ko. hanggang makayanan ko na ulit. hanggang di na ko matablan ng sakit.

hanggang mabuo ko na ulit ang sarili ko.

1 comment:

Anonymous said...

omg. please please fix yourself. sabi na eh. this wont do u anygood. we miss you. uuwi na nga ulit kami ni migs. =(

-rich