Thursday, June 09, 2005

KONEKSIYON

Malamig
----may makapal na ulap sa kaibuturan ng laman, maliliit na karayom na nananatiling nakatusok sa balat--- hindi ginabayan ng tsinung mahusay sa acupuncture
----tumatagos hanggang kalamnan

malalim
----ang lawak ng dagat Pasipiko malabong marating kahti habambuhay sisirin
----ang bangin na pinagdiskargahan ng tren at sino man ang magtangkang tumahak ay mababalot ng ‘di inaasahang kaba at mabilis na pintig ng puso
----sukat ng balong kinahulugan ng baryang kinasasakyan ng hiling ni Nene

sugat
---- sa paglipas ng mga araw, iitim ang kulay at ang hapdi na sa una’y damang dama, ay matutuyo at malilimutan
---- ngunit kung itoy isang nakakubliing patalim na nakaturok sa kailaliman ng buto ng panahon- walang pag asang maghilom

kalungkutan
---- bangkay na nakararamdam ng kanyang pagkakahimlay sa madilim na higaan
----nagdudulot ng pagtulo ng luha at taong inalipusta at pinili nilublob ang mukha at inapakan
----hindi nakikita ng mga taong dumaraan; simpatya ng matino sa osiptal ng mga hibang
----panaka-nakang hihiling na matapos na ang buhay na kinaiingitan ng mga maligning gala

pag-iisa
---- resulta ng mga pinagsama samang salita

---- halo halong ideya sa bawat talata

No comments: