Sunday, August 14, 2005

PAGKILOS

tinuldukan ng pagsulyap ng buwan ang umaga
rumaragasang gumulong sa mga palad ang mga barya
at muling binawain ng saplot ang pangangatawan
naghumindik ang haria
t tuluyang pinasok ang hiwa sa pagitan ng mga hita

malapit na! MALAPIT NA!

nagbiyahe ang pangalawang kamay sa mga numero
Heto na!at tuluyang bumaba ang mga anghel mula sa langit
namilog ang dugo sa loob ng sinapunan nagimbal ang mamang nagtitinda ng lumpia

at dali daling lumapag ang dala dalang bilao sa semento
umihip ang hangin at kumarera sa pagtibok ang puso at pulso


may buhay! may sanggol sa basura

nadagdagang ang dumudura ng laway sa lansangan
ang dating bata,tuluyang naging binata
ang dating inosente

binihisan ng kalye
humagibis ang buhay kasabay ng paghagibis ng metakl;
lumipad ang matatayog na pangarap sa kalawakan

lumangoy ang limpak limpak na salapi
sa karagatan at
lumapat ang pinaghalu halong laway

sa mga lansangan

No comments: