Saturday, July 31, 2004
lets just say na may nabago sa takbo ng panahon ngayon... na ang akala kong tapos na kwento ay nagsisimula pa lang pala.. ngayong araw ko lang nalaman na wala na pala si beya sa banda... at wala na rin siguro akong magiging rason para magkita kami ni mr. nice guy. tsk!
speaking of him... naalala ko lang siya.. after akong ayawan ni fabs sa phone.
6464454... dinial ko ang mga numerong iyon sa pldt landlyn namin
at nagusap kami... actually dineny pa nga niya ako nung marinig niya ko. hehe. kasi huling usap nga namin ng tuesday at akala ko yuyn na yun.. at yung din ang akala niya.
usap usap... usap usap... hanggang...
(sa telepono pa rin mga 3:15 ng hapon)
mr. nice guy: uy, gusto mo pumunta sa concert ngayong 4??
ako: ok lang... ano ba yan??
mr. nice guy: wala concert ng chico sci
ako: ahhh.. ok sige.
mr. nice guy: alam mo ba yun??? (mukhang nagdududa)
ako: oo naman no!
at yun set na? set na nga! AGAD. ang bilis. hehe... to think na biglaan ay nakasibat pa ko. grabe naman talaga. mit daw kaming starmall--at di pa ako nakakapunta dun mukhang ang panget eh.. sa may mcdo daw dun..pero mukhang di ko talaga alam kaya para makasigurado...
ako: ate, lam mo ba yung mcdo sa may starmall?? may imimit kasiako dun eh
katulong: oo naman.. dalawa nga mcdo dun eh
SHIT!! at dalawa pa ang mcdo. amputa naman. paano yung ganun?? san kami mit. pakshit talaga si mr. nice guy mukhang liligawin pa ata ako ng gago. pero sige bala na... laissez faire ulit ako. rush na ko sa mrt at madaling pumunta sa mall na iyon..
pagdating..
ti-tit...ti-tit
ONE MESSAGE RECEIVED
wowie! at may message ako!
READ
mr. nice guy: oi shit at malelate ako... maulan kasi eh wait ka lang jan sa mcdo
tang ina! sang mcdo?? eh dalwa nga daw mcdo dun
REPLY
ako: putang ina ka pala eh! dalwa mcdo dito san dito??
at yun na nga.. niloko lang pala ako ng katulong namin. gago talga babaeng yun. feeling may alam sa lahat.. hehe napahiya pa tuloy ako...nagtext ulit siya.. sabi niya andun na daw friend niyang si allen.. punta na daw ako dun.
(pumasok sa mcdo---ako:nagiisip...)
ako: shit! san dito si allen.. mukhang wala naman eh
pinaghintay lang nman niya ko for 40+ mins.. libot libot muna ako.. mahirap ng maloko..
hanggang... nagtext ulit.. nandun na daw siya.. ayus.. ok di pala to completely manloloko. haha!!
ayun diretso sa isang di pa tapos na gusali.. after ilang kamuntikang disgrasya sa kalsada.. jackasser kasi ang kupal... lakas ng loob eh mukhang tatalsik naman...
(sa gusaling under construction with background rock music from an amateur band)
mr. nice guy: oi, ingat ka... madami manloloko dito
ako: oo alam ko
mr. nice guy: di ko kilala ang banda na yun
ako: sino kaya sila (pretending interested)
mr. nice guy: baka amateur band
kinig kami hanggan yun.. chico sci na!!!
(background chico sci music plus maiingay na rkista giving their side comments... mr. nice guy spots a chick..)
mr. nice guy: buti pa dito angdaming rocker chicks... di tulad mo.. nagpapanggap
ako: excuse me.. di ako nagpapanggap noh?? sumasama lang ako.. go wtih the flow
tumahimik na siya.. nais na niyang pakinggan ang ingay na gawa ng bandang iyon... hanggang nagyaya siyang umalis na.. mga 6 pm na nun.. kaso mashado pa akong maaga kung diretso na kong kowloon so..sinaman niya ko sa quiapo...lakd... then mrt... then lrt...
wala na kong matandaang conversation namin.. aside from that.. mashadong mahahba na. at not so important naman. puro jokes... kelangan niya ng tawa para mawala ang sinasabi niyang trangkaso niya.. well gudlak...
oo nga.. dala na naman niya ang jacket niya...not the violet ha?? basta color grey to black ata..
at basa na yun ng pawis...
nagpapanggap na may trangkaso si gago.. paano ko nalaman?? hmmm hindi siya magaling umarte eh.. mejo kadiri nga eh.. kasi nakabekwa pala siya
dictionary: bekwa-- ito ay isang sandong maluwang na gamit ng mga jologs; shirt na pinunit ang sleeves
yun ang rason niya para ijacket ang sarili.. takpan ang di mapanindigang damit.. well gudlak. isa ka talagang rakista. mabuhay ka!
so.. iniisip niyo ba kung ano ang ending ng joyride na ito??? well, hinwakan lang naman niya ang etits niya habang naglalakd kami... sabi niya may babae na humwak eh...
talaga lang ha???
sige solo flight mo na yun mr. nice guy.. tunay kang nice!
Friday, July 30, 2004
ayan. feel ko isulat ang nangyari last nyt! haha.. saya. kaso may pagkacorny. yung mga coapps ko sa org ayun ang spooky nila. kasi dun kami nagbihis sa 2nd floor ng as. tapos dumaan kami sa wilfredo guerrero (ang venue naman ng ttatrin) at yun nanakot kami. haha
black and white ang kulay (mejo panira nga eh ako may touch of green--shempre galema nga eh ang babaeng ahas)
marami ngang sikat eh.. andun si bride of chuckie, sadako hehe.. andami no??
ang arte kasi nagtaxi pa talga kami. tinakot namin si manong taxi along with our costumes.. putsa inakala pa nga niyang frat sinalihan namin.. sermon ang inabot naming 6.
oo, anim kami sa taxi. to think na may mataba pa dun ah.
sa issi...
pagkatapos kumain, ayun at todo na ang practice ng thriller at i will survive. ang panget kasi ang hirp pag may costume. nakasabit pala yung ahas sa leeg ko. mejo nahuhulog kaya tinusukan ko ng hairpin.. maabilidad eh no??
ayun at sumayaw din ang mems.. ang galing sumayaw ni glenn.. (naalala ko sa kanya si dofi). todo hataw. puro kanto naman hehe. joke! pero at least di nman mediocre ang performance. at yun apps na..
sayaw lang kami. ang pangit kasi practice lang for 1 hr. hehe.. kaya ang pangit.
si suzie bida kahapon...
costume nia kasi ay si scream mask.. nkakatawa maski ako natatawa. yun lang kasi yung emosyon ng mukha niya buong araw. may effect effect pang dugo.
then sig signing.. yahoo!! mga 8 din napasig ko nun ah.. memorize memorize pa ako ng mga kung anu anong trivias sa org. puputok na siyang talaga. at yun di ko siya natapos pero at least..
TAPOS NA ANG SIG SHEET!!
pauwi na kami at nagyaya si carlis na maginuman sa may treehouse--ang bagong kainan sa up. mukhang maganda naman yung place kulang lang sa tao. wala kasing dumdaan dun..
shempre tanggi.. may sundo eh. saka na lang pag members na kami!
bukas debut naman ni donna... at wala sa beya.. akala ko ba ok na??
ang hapong katawan
pilit na isinisiksik
ang sarili sa sulok ng pader
--malamig tila tumatagos sa
payat kong katawan kinakain
ang natitirang init--ang buhay.
at ang isang basong plastik
ang nagiging karamay
dala ang dungis at baho
mula sa mga kamay kong
pilit umaabot sa
isang barya...
ang nahulog mula sa mabibigat
na kamay ng mamang yaon..
tila pinabibigat ng pisong
unti unti dumudulas mula
sa kanya.
isang pirasong pisi ang
ulit na magdudugtong sa aking hininga.
isang barya...isang abuloy.
Thursday, July 29, 2004
yahoo! last day na namin tom. for our pep week. then, tambay nyt naman.
oo nga, tom, ako si galema..and i dont know if she's the babaeng ahas - kasi si valentina yun or lalaking may ahas -- coz si suma yun. kaya, i still dont have any idea kung papaano ko pupuluputin yung ahas na props ko.
and another problem: papers!!! may paper ako due tom sa edfd 100, then letters to the POPS pati na rin essays. angdami. GOD!!! ang hirap pag sabay sabayin. (pero nakaktawa, nakakagawa naman ako ng entries... tsk, walang sapat na rason!)
oo nga, tungkol sa tambay nyt namin tom., horror creatures daw kami.. wow! napaaga ata ang aming halloween party. psychsoc talga. mashadong advance. di pa ako nagdedebut. at considering na sa ISSI pa ang venue (sosyal ha?), mukha atang mananakot kami sa masscom, dmst, pati na rin sa solair at sa treehouse. shit baka mabato kami ng mga lasing dun. wish ko lang sana di kami magperform ng ganun. nakkahiya na, di ka pa sigurado sa buhay mo.
at shit, dahil angdami ko pang kulang na sigs!! bala na.. laissez faire
*si randy nagtext.. aliw siya sa blog ko?? hmmm.. talaga?? hehe..
Tuesday, July 27, 2004
sabi daw nila, masaya daw kapag nagagawan mo ng isang tula ang isang tao. well, gumawa lang ako, naalala ko lang siya kanina eh... hulaan niyo na lang kung sino.
TO HIS STILLNESS
his photograph
has lain on the old table
for quite some time,
and the moment my eyes met his,
the windows of my soul have remained open.
Time has allowed me
to carefully observe every aspect
within the appearance of sylvan frame -
the shape of his face,
the marks on his skin,
traces out his charaacter.
and every detail behind his smile
radiates his aura.
i know
he can never speak
but the glaring look in his eyes swathed my obsession
with bewilderment, telling me
that his stillness proves his sensitivity
but i still defied everything,
and though i never felt
and will by no means feel his caress,
i found contentment by merely looking
inside his beauty that shall last forever,
like his silence
masaya akong naglalaro ng cellphone ni beya last week.playing god kasi ako.
objective ng game: panain ang dalawang tao hanggang mainlove sila. feeling cupid di ba??
well, last week, ako ang napana ni cupido.
gaya nga ng nakwento ko na (scroll down niyo na lang) last week nangyari iyon. pinaglaruan ata ako ni kupido hehe.. kaso bwisit kasi may expiry eh. 7 days lang - nadaig pa ang chichirya. tsk...
buti na lang di sinadya ni kupido ang pamamana... dahil kung hindi, malamng sa malamang, suicidal na rin ulit ang drama ko ngayon.
nainlove ako sa loob ng 7 araw.
Sunday, July 25, 2004
putsa... exhausetd na ang brain ko kakaisip ng aking mga concept.. pinipilit ko kasi na maging matino naman ang aking blog. para na rin sa aking mga fans na wlang sawang sumusubaybay sa aking mga kwneto at kung ano anong feel kong isulat...
siguro mga two weeks na rin akong walang pahingang matino.. 3 am ang start kong matulog at magigising ng mga 8.. mahaba haba pa nga yun eh. kaya di ko lang talga alam kung bakit buhay pa ko ngayon. 2-3 hours ang tulog ko on the avg.
sige.. balik kwento na lang muna ako.. sayang! akala ko ay inlove ako.. sa lalaking nagigitara at nagdadrums nung nakila beya ako. may itsura siya at rakista din... kaso isang malaking pagkakamali dahil wala naman pala..
ata?? well, i'm not sure.. tae
dalawang beses pa lang kami nagmimit (thanks sa bahay nila beya!) kaso parang nabibilisan ako sa kanya.. sa pangalawa naming pagkikita, kinuha na niya kagad ang cel at landlyn ko pauwi. shempre bigay naman ako.. friendly eh, or tyrying to be friendly ang pootah..
sa ilalim ng ulan ko naramdaman...
sa may tapat ng alimall, naghintay kaming dalawa ng jip biyaheng cainta (dun daw siya nakatira). umabon... at di ko na binother na kunin ang payong.. di naman din ako mababasa eh. tamang ambom lang. sabay siya, feeling mr. nice guy...
(mr. nice guy akmang tatanggalin ang isang sleeve ng jacket)
mr. ncie guy: silong ka na sa jacket ko!
ako: hehe.. gago wag. ok lang ako. mabilis ka rin makakasakay
mr. nice guy: namura pa ko! sige na silong na! arte mo!
ako: tang ina! di ako ma...
(hinablot ako ni mr. nice guy at dali dali niya akong isinilong sa kulay violet niyang jacket)
ako:...arte..
mr. nice guy: magkakasakit ka niyan (asooos!)
hawak hawak ko ang end ng jacket na yun kung san dun niya ko nilagay... mejo mainit ang jacket. para akong sisiw na nililimliman ng ina... comfortable..
at ang isang kamay niya na wala na sa jacket... inakbayan ako. shet! ang panget para kaming magshota. inabot niya ang kamy niyang iyon sa basa kong kamay na patuloy pa rin sa paghawak sa jacket niya... tang ina! ano ba yun!
1....2.....
3.....4....
5....6.....
at hindi ko na naisipang bilangin ang bawat minuto. naasiwa na ako sa posisyon na yun..
naisipan kong itanong kung alam niya ang sakayan talga..
ako: san ka ba umuuwi??
mr. nice guy: sa cainta
ako: andun yung terminal ng jip na biyaheng cainta (sabay turo sa lugar)
mr nice guy: ahhh... dun ba?? di ko kasi alam eh. sorry...
ako: aok.... sige lakarin na natin
nag usap kami hanggang makarating sa terminal.. pwdede na rin kasi ako sumakay dun... ibang jip nga lang. may mga payo payo pa kong pinagsasabi na wag silang magbreak ng shota niya.. 3 years na daw sila eh.
feeling mabait no?
(ako and mr. ncie guy sa terminal...)
ako: o dun yung sa cainta ha??
mr. nice guy: hehe... gago sa totoo lang alam ko talga na dito sakayan eh.. ayoko pa talgang umuwi..
ako:............. TANG INA KA!!!!
hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa gabing iyon.. ang landi niya kasi.
This must be hunger:
The gentle rumbling inside
my stomach like a drum roll
going faster and faster ----
louder and louder
Gases escaping up....up
eating the strong walls
So intense
A food hunt:
Starving like a lion in the fields
hiding... feasting its eyes on
a possible prey - and there
in the table is a plastic-- isolated
like an oasis in a desert, a life
in an abyss
My preys hiding stupidly
seen under that trasparent shield
they cover up.
They are many.
I dart my eyes in every corner
and see no one
AHA! a feast for my own greed!
Good.
My mouth waters... a drop falls.
The art of eating:
I pick my first prey - it is
fat, air trapped.
In a pool of acid, i kill my prey, drowning it --
the air is the blood under its skin.
Put the whole in mywatered mouth...
completelydrowning--washing
every life, every air.
saltness and sour i taste.
by ones... then
by twos...then
until.
BURPPP - a satisafaction.
and the rumblings are gone..
*inspired by the hub
Tuesday, July 20, 2004
NO PEACE
having this usual morning of waking up, maghilamos, eating breakfast.... accompanied by an eternity of whinings from my not so very good mother. "taena, kumain ka na at malelate ka pa". shit.. where then is world peace??
so, what's the connection? i'll ket you decide. its just that this scenario happened again. Hello?? i dont have classes (putang ina ka rin!)
peace? i know peace... located between guns, between gutters and stars, between enemies and friends, sandwiched by lust and love, between good and evil... why hate evil -- its just the opposite of what the "good" is. no appreciation of the other without its opposite..
haha...hypocrisy.. professing one's belief without actually possessing it.. that explains it all. that's man isn't it... full of ideals and ideals and ideals. a guide to the so called eternal damnation.. look everywhere its there.
then peace is just so an impossible attainment.. a very far fetched. dream.
alam kong unting tao lang naman ang nakakaalam ng spot na to sa worldwide web.. mga 5 siguro nagbawas na yung iba (nakalimot or something..) dun sa mga pipol na makakabasa nito, gudlak kasi mejo magfifeeling writer na ako. mejo tameme na ako sa mga issues sariling buhay ko na lang ang papakialaman ko.. kaya kung may naiiba sa blog ko, pede quiet na lang.. comments are accepted. pero pls. no suggestions..
marami kasi akong mga entries ngayon... feel ko talgaqng magsulat. mejo bago na ang magiging theme. bala na ako ako na man ang may sagot dito eh...
Saturday, July 17, 2004
hay naku at talo na naman ang UP sa UAAP...
M...A...R..O...O..NS
Fighting maroons (2x)
Go fight! go win!!
go fight! fighting maroons (2x)
oooohhhh... fighting maroons (2x)
go fight! fighting maroons!
kahit na ilang apila pa ang gawin ng mga cheerers at pep (isama na rin ang drummers) eh dipa rin magawa ng maroons ang manalo.. dios ko, namaos na ako at lahat pero still, wala pa rin silang naipanalo. HELLO 2 losses na. tang ina naman
UP fight (up fight!!)....
may improvement naman sa game eh. di na sila namimigay ng foul mashado. kupal nga lang kasi kahit bigyan pa sila ng foul ng kalaban eh di pa rin shumushoot ang bola sa free throw. at narealize ko lang din na kahit papaano, exciting yung 4th quarter. (usually kasi walang pagasa na sa last quarter --- tambak)
di naman sa nagagalit ako sakanila kaso parang wala lang (nagfifeeling involved sa issue!)
oo nga pero in fairness, kahit na natalo ok na rin. maycute kasing player sa ue. jersey no 9..
bakit cute?? well, diko alam. basta cute! stand out ang looks parang si bob marley! BAGAY SIYANG MAGLARO SA UP!!!
....matangkad, na mukhang rakista---(interests:rockstars, bums...),style bob marley ang hair at ang shoes shit! ganda old school na old school talaga. di nakalimot sa fashioon statement kahit naglalaro eh no!
speakng of rockstars... pinakilala sa kin ni bxc ang kanyang bandmates--yung isa letter o yung name at yung isa naman ay a. nakalimutan ko na names nila. astig nga kasi ang galing tumugtog. joketym silang dalawa kasi kung anu anong banat nung pauwi na kami..
aliw lang kasi nagbaraha kaming apat kanina.. feeling ko si harold at si halley silang dalawa.. hehe. those were the days! gago... lumaki na ko.. reminsing lang..may karapatan naman ako eh.. ako naman to. walang kokontra..
bxc, lam kong mababasa mo ito.. wag kang maoffend.. hehe naalala ko lang naman eh.
speaking of updating, nagpaupdate pala ako sa dept. last wed. at ang resulta --- hindi ko alam.. since lagpas ang gwa ko sa maintaining grade... eh gudlak ulit sa akin. natwa nga ako kay ate daisy (in charge siya sa updating) kasi nung nakita niya yung gwa ko eh parang umasin yung mukha. feeling ko lang talaga ako yung kaunaunahang psych major na mukhangmasisipa pa. sana lang hindi.. ayoko maging bum noh??
si fabs kadiri, nagkwento siya ng panaginip niya:
andun daw yung mgatao sa bahay nila tapos andun dinako (shempre).
ang setting: nakadapa daw kami ni fabs sa sala ng haus nila nanonood ng tv. si harold epal sa likod namin nakaupo saisa sa mga upuan. may ibubulong si fabs, kinoveran niya yung portion na makikita ni harold yung ibubulong niya... tas, dinilaan ako ng pasneaky.yunlang
KADIRI NOH??
sinasabi lang nun na delikadotalga magsasama kay fabila. maski sa panaginip pwedekang makain..
Friday, July 02, 2004
ang pangit ng pc dito sa layb. nagkaroon tuloy muna ako ng mga 5 mins ng orientation sa computer na ito. mejo may kabagalan kasi at di ata normal ang pagtakbo nito. shit! ang ingay ng printer dito (dot-matrix pa kasi tsk tsk).
ano nga bang masasabi ko... wala na akong love life. wala na talaga. di na ko naiiyak o kung ano pa mang kakaibang nangyayari. parang wala na lang. na attain ko na ata ang moksha ng buhay ko. pero DI PA NAMN AKO TIGANG---- malaking P pa rin naman ako. nung isang linggo lang eh. kayod kabayo na naman ako. isabay mo pa ang acads.
oo nga.. last month aral lang ako sobra. hehe. pano, excellent grades (yahoo... angas no?) wish ko lang na sana pumasa ako sa exam ko sa 110. problemado kasi ako sa english ko. galing pa kasing bundok yung accent ko. tas may mga words pa kogn di matranslate haha.. wag na lang kayo maniwala sa mga puinagsasabi ko dito.
si fabs pala andito din sa layb. TULOG. suot na naman niya yung damit niyang mala shrek. nakakadiri. feling ko, may BO na ata yun. ang pangit talaga sobra.
Tma ba naman na laitin si fabs?? hehe.. tigilan ko na lang yun. putsa at sira pala ang pc namin..
kwwento na lang ako para masaya.
nagbigay ako kay the big D ng mug nung father's day. sabi ko sa kanya, itapon niya kung feel niya. kunsabagay eh... magiging kalat naman yun. may pagkatanga nga lang kasi gumastos pa ako para sirain yung gift. pero ok na rin, nainsulto ko naman siya eh.
bday ng dadi ko nung 23 at hindi ko siya nabati. binigyan ko na lang siya ng maki sa saisaki. di kasi siya kumakain nun. sabi ko sa kanya, since bday niya, eh maging adventurous siya sa mga pagkain. ewan ko lang kung kinain niya o nung mga aso. hihi
bday ni rex nung 25 todo overnyt ako. wala lang. para may kasama si abi. parang fhm ang buong gabi. may mens confessions pa talaga. at may kaunting libog libog..
anniv ni dadi nung 29. shempre kasama si mami. haha. date sila sa kung sang lugar diyan sa libis. maaga nga lang siola umuwi. nyeh! sana lang nag enjoy sila diba??
so far yun lang ang kwneto. oo nga at app na ko ng psych soc with suzie. yeh. kaso nakakatamad tumambay. kaya eto... imbis na tumambay eh kinalikot na lang ang pagpindot sa pc na ito.
di ko sure kung tuloy na ang abroad namin. naririnig ko kasi si dadi kausap si tito. plano na atang ibenta ang bahay. kasi aalis din naman lahat. kaso di pa mashadong malinaw. hay naku. undecided pa rin ako sa issue na un. bala na. ika nga ni harold "laissez faire" arte niya no?
tungkol nga pala sa kanya, wala na talaga. kasi itong si ate binoost na talaga ang kanyang powers para matigil na ang pagdadrama ka. and this tym nakumbinse niya na ako. sinabi ba naman niya na stonehenge daw si harold??? totoo ba yun?? kasi, tinanong ko siya kugn pangit ba si harold sabi niya OO. tas tinanong ko ulit kung wala ba nung mga tigidig sa mukha niya, eh gwapo siya. shempre ang explanation ni siter ay: "RUTH ANG STONEHENGE AY STONEHENGE. KAHIT NA TUBUAN AT SIRAIN NG PANAHON ANG PANLABAS NG STONEHENGE, AY STONEHENGE PA RIN SIYA. IN SHORT PANGET!!!" hay naku nalait na nga po ng tuluyan si harold. pero kahit ano pa man. di ko talga naisip na pangit siya eh. alam mo na bulag... pero dahil dun... natigil na ako. oo nga baka may mas gwapo pa kong makita. di lang naman siya ang lalaki. yeh!
cge... next tym na lang ulit
Friday, June 11, 2004
sa bawat araw ng linggong ito, napapansin ko rin ang unti unting paglayo niya. nararamdaman ko. pinaparamdam niya. although, tanong pa rin, kung talaga nga bang sadya niya. pero kahit ano pa man, masakit at nakakakainis.
wala na palang naghihintay sa kin. shit. dahil may class lang naman ako ng 5-630. siguro nga... katulad ng mga naunang araw, mag isa ko na lang ibabyahe pabalik ang bahay ko. pero, wala namang ipinagkaiba ang mas maaga kong araw eh. mag isa pa rin naman akong umuuwi.
kung ibabalik ang nakaraang taon, siguro nga, naging martyr ako sa paghihintay ko. kahit alas diyes ang uwian ang uwi pa rin ay 5. siguro nga wala ng tatatlo sa kin sa larangan ng paghihintay.
ang masasabi ko lang, sa bawat lakad at oras na ginigugol ko mag isa, alam kong isang karera ang tinatapos ko. hindi ko alam kung may prize sa huli. pero yun nga yung motivationg factor eh. sa huli ng karera ko malalaman kung meron nga bang prize ang karerang tinatakbuhan ko. mahaba habang karera na rin. pero kelangan ituloy. maaring abutin ng buong buhay ang pagtakbo. pero malay mo ba kung ano nga ba ang naghihintay sa dulo.
Sunday, May 30, 2004
wala lang.. wala akong magawa eh. para akong sleeping beauty. kakagising ko lang kani kanina.
ANG DEBUT NI AYING
masaya naman debut niya. hehe. sa simbahan. wala lang at nakonsesnsha ako. kasi ang bait ni aying eh. tapos ako, tae na lang sa tabi. hay! wala na ata akong kapagapag asa...
naalala ko lang, kakatapos ko lang pala sa aking malagim na kahapon. hehe... basta nung friday may nangyari. at sobrang malala.
wala lang parang nung pumasok ako dun sa simbahan (na venue nung debut ni aying) parang bigla akong pinasukan ng anghel. biglang nagbasa yung mata ko. tungkol ba ito dun sa tanginang b@#*??
shit! ang sama ko talga..
ayun, dun pala ako tumable sa puro guys! haha.. at katapat ko siya! oo nga eh. nagkatapatan kami.. saya nga eh. kasi tinginan lang kami to the max.
plano ko nga pala kila bxc mag stay kaya ayun. paalam na lang muna kay dady. at thank god pinayagan naman niya ko.
si felias, hehe, nakita niya ang aking wet eyes. galing nga eh. deny pa ko. sabi ko conjunctivitis lit.
so ayun, ang aga natapos ng debut ni aying. pero mehjo mabigat ulit pakiramdam ko. hay naku.. hanggang kelan to. sabi nila, sumusulpot daw talaga yan eh. kaya di mappigilan kahit anong muv on mo.
ayun shempre drama naman ako buong party. at yun nga natapos din. eto namang si felias, pinahatid ako sa kanya kila bxc. wala lang ayoko sana eh. parang scared pa ko. pero mas nakakatakot nga naman kung marape ako. kasi gabi na rin nun.
ayun na nga, sinamahan niya ko.. pero ewan di ako makapgsalita. naiinis ako sa sarili ko. kasi kinikimkim ko lang yung sakit sa loob. sha rin ang tahimik niya. di niya ko kinakausap. ano kayang iniisip niya?? ewan.
mahaba haba ding lakaran yung kila bxc, pero hu cares? hehe ako sa totoo lang, sana di na matapos yung lakarang yun. kahit tahimik basta alam ko kasama ko siya. iba pa rin yung pakiramdam. pero mamaya maya, alam ko makakapunta rin kami kila bxc. titigil na rin ang lakad. babalik ulit siya. tapos magiisa na lang ulit ako.
ayoko matapos talaga eh. kaso nung nakita ko na yung green gate wala na. yun na yung wakas. nagpaalam na kagad siya. sabi ko wag muna. kaso ayun umalis din. ang sakit talga kapag naiiwan.
bigla kong naalala yung pag iisa ko sa beach ng sorsogon. sabi ko ayaw ko ng mag isa kasi iba yung kairamdam. pero katulad nung nangyari sa sorsogon ayun mag isa ulit ako. (si bxc nga pala nasa jamingan pa nauna na ko sa bahay)
papasok sana ako, wala namang nagbubukas. tapos leche pa yung aso tahol ng tahol. ayun, umiyak na lang ako. kasi iba talga yung sakit. ewan drama ko nun sobra. buti pa sa beach may dagat... parang kahit papaano, malaya ka. yung hangin di nakakamatay. eh dito parang nakakulong ako sa gate eh. di ako makagalaw kasi baka sakmalin pa ko ng aso.
tahimik lang iyak ko. ewan di mapigilan sa pagtulo. ayaw kong may makrinig sa kin... naghihintay lang naman ako.
si bxc, dumating matapos ang ilang minutong paghihintay. ayun may dalang toma. well at least may mapaguusapan na naman kami. alam kong karamay ko si bxc. masaya ako kasi mejo natutulungan ako ng ibang tao. oo nga pala. nag text pala sia sa kin. bibigyan daw niya ko ng tulong basta irequest ko. la lang. masya na rin kasi alam kong yung sabay naming paglalakad nung gabi yun ay di nagtatapos sa pag iwan niya sa kin kila bxc. alam kong meron pang mga kasunod na lakaran na alam kong makaksama ko siya. hanngang sa huling lakad namin...
Monday, May 24, 2004
oo na, last week pa ang huli kong punta sa lecheng page na toh... promise ko na nga hindi na ko gagawa eh. after ko marecieve yung sagot niya dun sa letter na binigay ko.
may 10...
kachat ko si eric, kakwentuhan ko sa problema ko dun sa issue na yun.. naputol yung line. SHIT siya na. yung tawag na pinapagawa ko sa sulat ginawa niya. dala niya ang sagot. kinabahan ako. nauumid ang buong sistema ko, di makasalita. gusto ko sana ibaba, pero yung moment na yun ang magdedecide ng fate ko
madaming paikot sikot, hanggang sa huli tinanong ko siya "tol, di ba yung tawag na to may ibig sabihin? yung sagot?" umoo naman siya. kaso parang alangan. pero kelangan. kaya sinabi niya, "tol, wala na talaga...." at kung anu ano ang sinabi niya. wala na kung ibang narinig kundi ang apat na salitang iyon. WLA NA. alam ko naman eh. pero bakit pinilit ko. masakit. pero nga sabi sa sulat mas ok na yun, kesa tuloy tuloy na toh..
hanggang yun, iyak ako. nagtatalon sa galit, sakit, at lungkot. ewan sa panahong iyon lahat ng yun ranmdam ko...
sa huli sabi ko.. "sige na nga, best bud naman kita eh" di ba bestfreind daw? dun din kami nagsimula eh. wala namang masam pero parang natatakot ako hindi ko alam kung bakit.
pag click ko ng phone naisip ko, masaya na naman siya, i might as well be happy na rin SANA...
"sana maging masaya ka gaya ng pagiging masaya ko" yun daw yung wish niya sa kin last tym na nag inuman daw sila sa terrace ng bahay nila... SIGE PROMISE pipilitin ko maging masaya kasi masaya ka narin...
may 11
tumawag si felias.. malungkot siya. ako ok lang. andun yung lungkot pero keri naman.. tanghaling tapat tumawag siya, may binalita umiyak ako-umiyak siya. in short nag iyakan kami. ayoko ng may umiiyak, iba yung iniiyakan ko
nung gabi, hindi na ko umiyak, pakiramdam ko... ok na ko
may 12
pumunta akong skul.. pero wala nga lang. gaya ng sinulat ko dun sa last blog ko.. hehe kelangan ko ng gamot --- i mean siya. i'm taking my recovery one step at a time. wag natin biglain.
alam kong wala namang kapupulutan. hehe. pagpunta ko dun, kumain lang kaming apat sa fud cort.. masaya o malungkot? yun nga ang di ko lam eh. oo nga pala, katabi ko siya... may mga nakaw na tingin pa kong ginagawa, gusto ko lang naman siyang tumingin din sa kin, gaya nung dati.. mga tingin na parang nagtatanong kung bakit.. mga tinging, may concern.. pero wala eh. ano nga bang ieexpect ko. TANGA KO talaga. wahehe
nasa sm pa rin kami.. usually, dinadaan ko siya sa may sakayan ng fx sa may labas ng sm (near annex). dun kami naghihiwalay.. pero this time, nakita ko pa lang yung main gate sa may jollibee, nagpaalam na ko. di ko na siya sinamahan hanggang sakayan.. bakit?? anong ibig sabihin ng ginawa ko? tuluyang pagpapalam na rin ba??
may 13
nagplano kmi ng tryo eh. kaya ayun rush ulit sa skul. thanks kay jona at nadala niya ang harry potter buk five. saya ko. may mababsa ulit. pampawala ng iniisip. biglang alala ko, bday ni ben.
libre ni ben ang fud sa sm. hehe. buti na lang dahil tumakas lang naman ako eh. wala akong pera 200 lang.
nagalisan mga tao, yung iba balik skul, yung iba uwi na. sila fabs naman ako at siya, ayun kasama si jona at lao manonood ng troy.. first day eh.
nagkaroon ng unting away kasi parang nagkakatamran na rin magsipanooran. nabadtrip ako. kasi parang ayaw ako samahan. pero sige desisyon nila yan. OK lang. may buk 5 naman ako eh. pwede na rin.
pero nanaig ang panonood. ayun katabi ko siya. nanonood kaming lima. sinisiksik ko ang braso ko sa ilalim ng braso niya, di siya pumalag...MAINIT... hehe.napakawarmblooded talaga nun..
ganun din noon eh. masaya na kami sa unting body contact. (Mejo lumala nga lng banda huli..) pero ayun ulit. simpleng magkadikit lang ng braso kung anu ano na pinagiisip ko hehe. samahan pa ng halikan at unting bed scenes hehe.. yahoong yahoo na kp! ioo nga gwapo si brad pitt in fairness. kahit mejo mabaho ang role niya dun.
eto pala ang highlight.. habang nanonood kami, wala lang parang nakaglue na yung braso ko sa ilalim ng braso niya. kahit magkandamanhid manhid ako OK lang.. hehe. anyway, aside sa mga brasong magkapatong (yihee!) ayun ang galing at ngrerelay pa talga ng totoong misteryo ng troy from homer's iliead ang gago... saulado lahat ng characters napakawow nga eh. ang bibo niya. although mali mali yung kwento sa movie, HE made it a point na mag speculate ng kung anu anong pwedeng mangyari from the mopvies POV at sobrang nakuha niya yung mga nabago sa libro. ang henyo. sabi ko nga pwede ng itapon sa greece. paano ba naman di lang siya isang magaling na PHILOSPHER, henyo pa sa MYTHOLOGY. feeling ko nga tae ako sa tabi..
oo nga, nakikinig ako sa mga geeky insights niya. hehe para malay mo may magic ulit nyahah..
natapos yung movie masaya na ko sa moment na yun. feeling ko maluwag na pakiramdam ko. pero parang hindi parang bumalik lang ata ako sa past.. bala na
nasa sm pa rin. insted na dumiretso ako sa main gate, ayun at ang gaga ay sinamahan siya sa may sakayan. hehe. ang ganda ng pagmumuvon ko. mga di natutuloy. pabalik ata ako eh. at least, masaya naman!
may 14
di ako pedeng umalis, out f town kami the next day.
nung gabi, nagtext ako.. no response. tumwag ako, wal din siya sa haus... kung sino sino pa tinawagan ko baka di pa nakakauwi. umiral na naman ang aking pagiging maalahaning gf pero hindi eh. wala na yun matagal na di ba?
after so many hours nagtext si kumag.. wowie galing sa kapitabahay at nanalo sa tong its ang gago! tawag daw siya maya kain lang. leche naman ate ko kausap ang bestfreind niya sa phone di niya mababa. sabi ko pagtumwag siya, alam na ni ate gagawin kaso hindi eh. nalamn ko na lang na sabi ng ate ko, tawag pa daw agfter five minutes.. BWISIT!
yung five minutes niya na doble. tumawag na nga ulit pero eong ate ko, di sinagot.. grrr... natapos siya may luha sa mata niya.. bala siya, di pa ko umiiyak since nung election. tumwag ako..
RING... RING... at madami pang ring hanggang busy.. ulit pa at ganun din nangyari. ewan shit talga ate ko..
RING.. RINg.. this tym sa min naman. shete! lite up na naman ang face kong magmumukha na sanang basahan sa lukot.. ayan na...
HELLO... feeeling ko nga yung O na lang yung narinig kasi nag hello na kagad ako bago malagay yung receiver sa tenga ko (excited kasi).. usap kami saya !! sabi niya nag onlyn pa daw siya sa ym baka daw andun ako kasi wala na daw sumasagot sa phone namin... napaisip na naman ako.. napakaswerte ko naman at maski sa internet hahabulin niya yung tinawag ko sa kanya mga 5oras na nakakraan.. at talgang naisip niyang mag net di ba? grabe na to! kung anu ano na talga yung
pinagiisip ko.. pero parang iba talga pakramdam ko jan.
ayun babye after 1 hour ng pag uusap. alis na kasi kami maya maya..
MAY 15-16
out of town lang to.. saka ko na ikekwento.. masaya din..
basta masaya lang ako sa lahat.. sinagot na nga niya yung letter ko. pero alam ko, hindi dun magtatapos ang lahat dun ako masaya.. malay mo in the near future di ba?? ano kaya sa tingin niyo?? may kakaiba ba dun sa mga kinilos niya ryt after msabi niya yung sagot? oi felias ano ba?? sagutin mo toh okei?
para sa kin OO.. although iba dun sa sagot niya.. pero ayoko na rin magisip. ayokogn maging mashadong msaya. baka mali mga pinagiisip ko jan.
MAY 18
masaya toh!! nasa up ako eh. kasama ko na naman ang ultimate gang. at wala kaming ginawa kundi mag net. paano ba naman si fabs at eric nagcacram ng papers nila sa kas. nagsawa na ko kakanet. pero sha!, putsa sa porno.. kasi punta sana ako dun sa lugar niya, tang ina kasi ang seryoso ng mukha nanonood sa monitor. pagkatingin ko, shit ang intsik na babae ginagawang lolipop ang etis ng partner niya.. hehe, for the first tym nahiya ako. ayun back out balik sa pwesto --- katabi ng mabahong si fabs..
si fabs tang ina, ang baho. pamatay. yung damit ata, di nilabahan eh. kadiri...
basta nung pauwi na kami... akala ko ako alang nakapansin sa amoy niya, bumanat siya.. "ang baho ni fans noh?" hehe.. tang ina talaga... akala ko bano na ang pang amoy ko
MAY 19-22
eto ang masya, malaya na ko!! hehe.. basta.. oi felias alam mo to...
oo nga pala... yung tungkol dun sa sagot niya, ewan ko talaga. may pagkamalabo eh. iba yung pakiramdam ko dun. oh well, bala na ang tandhana. basta masaya na muna ko..
Sunday, May 09, 2004
kanina.. naku mother's day di ba?
wala lang siyang reply.. yun lang naman ang gusto ko sabihin ngayon sa blog..
gsuto ko lang naman ilatag ang aking plataporma pagaktapos niyang makaboto hehe (makapagdecide pala)
gusto ko lang naman turuan niya ako...
turuan niya ko maging masya kahit na magisa...
maging kuntento ngayon sa binibigay ng buhay...
magpigil sa pag iyak sa bawta sakit na nararamdaman at mararamdaman...
maniwala sa lahat ng sabihin niya kahit kasinungalingan na...
sana rin maturuan niya ko kung paano siya pigilan.. if in case na aalis man siya...
yun lang.. alam ko kahit na imposible, matutunan ko din yun.
(kinuha ko lang sa quote yan ha?)
Saturday, May 08, 2004
matapos ko malaman na meron daw akong conjunctivitis, tinigil ko na muna ang pagluha. oo nga pala, ang conjunctivitis ay ang pamamaga ata ng tear glands. hehe hindi ko talaga alam.
siguro nga may hangganan ang pag iyak kong to.
pero kahit na hindi ako umiyak, di pa rin maiwasan ang mag isip. maga 2 araw na rin simula ng maibigay ko ang sulat. pero bakit wala pa ring response? ano nga bang gusto niyang mangyari? ituloy pa rin ang paghihirap?
basta, hindi ko alam.
umulan... langit na ata ang umiyak para ituloy ang iyak marathon ko. naisip ko lang, bawat iyak ng langit may bagong pag asa na sumisibol... ang daya naman, bakit ganun? pag ako umiiyak, wala akong nakikitang pag asa?
as of now? mananahimik na muna ako siguro kakatanong.. basta may ieexpect ako sa kanyang sagot, maganda man o hindi.
uulan na naman. iiyak ang langit, pero di na ako iiyak.. MUNA
